News DetailsMORE NEWS

Tagalog news: RHU building at birthing home sa San Manuel na pinondohan ng Performance Challenge Fund, bukas naFebruary 18, 2013

 

By Carlo Lorenzo J. Datu

 
SAN MANUEL, Tarlac, Peb 18 (PIA) -- Binuksan kamakailan ng mga opisyal ng
Department of Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang bayan
ng San Manuel ang isang Rural Health Unit (RHU) building at Birthing Home
na pinondohan ng Performance Challenge Fund (PCF). 

Ayon kay DILG Regional Director Florida Dijan, ang PCF ay iginagawad sa mga
local government units (LGUs) na pinagkalooban ng Seal of Good Housekeeping (SGH). 

Sa ilalim ng Fund, binibigyan ang mga mapipiling LGUs ng tig-pitong milyon
(para sa mga lalawigan), tatlong milyon (para sa mga lungsod), at tig isang milyong piso
(para sa mga bayan) na siya namang ilalaan para sa mga proyektong susuporta
sa pagsakatuparan ng mga United Nations Millennium Development Goals o MDGs. 

Kabilang sa mga MDGs ang puksain ang matinding kahirapan at kagutuman at
bawasan ang child mortality. 

Naglaan ang San Manuel ng isang milyong pisong counterpart assistance nito para
sa pagtatayo ng mga naturang pasilidad na sumasangguni sa Health Facility
Enhancement Program ng Department of Health. 

Ang SGH ay ibinibigay sa mga local government units (LGUs) na naging matagumpay
sa mga larangan ng planning, budgeting, revenue mobilization, financial management
and budget execution, procurement at resource mobilization. 

Bukod dito, ang mga LGU recipients ay nakakuha rin ng “no adverse" report mula sa
Commission on Audit na ang ibig sabihin ay sumunod sila sa lahat ng alituntunin
ng auditing agency ng pamahalaan. (WLB/CLJD-PIA 3)
 
http://www.pia.gov.ph/news/index.php?searchID=pcf+dilg&article=561361099017

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.