News DetailsMORE NEWS

Tagalog news: Tarlac at dalawang bayan nito, wagi sa Gawad Pamana ng Lahi ng DILGOctober 17, 2012

 

By Carlo Lorenzo J. Datu

PIA News

Wednesday 17th of October 2012

LUNGSOD NG TARLAC, Okt 17 (PIA) -- Kabilang ang pamahalaang panlalawigan ng Tarlac at dalawang bayan nito sa mga nagwagi sa 2012 Gawad Pamana ng Lahi (GPL) ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Gitnang Luzon. 

Personal na igagawad ni Secretary Manuel Roxas II ang pagkilala sa pamahalaang panlalawigan ng Tarlac at mga pamahalaang bayan ng Anao and Gerona sa Regional Utilization Conference kasama ang Gawad Pagkilala sa Natatanging Pamamahala na isasagawa sa Holiday Inn Hotel sa Clark Freeport, sabi ni DILG-Tarlac Chief Dennis Villaseñor. 

Pararangalan din ang pamahalaang panlalawigan ng Tarlac sa okasyon ng 2011 Seal of Good Housekeeping (SGH) marker habang makukuha ng mga munisipyo ng Camiling, Paniqui at Moncada ang kanilang mga tseke ng Performance Challenge Fund (PCF). 

Samantala, ipagkakaloob ang Lupong Tagapamayapa Incentives Award (LTIA) kina Poblacion I Barangay Captain at Tarlac Liga ng mga Barangay President John Patrick Agustin at Bacabac Barangay Captain Melchor Labisa na kapwa tiga Camiling. 

Pagkakalooban naman ng Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (Salintubig) grant ang Concepcion habang bibigyan ng sertipiko ng pagkilala ng Local Governance Performance Management System (LGPMS) ang Paniqui and San Clemente. 

Ang SGH ay iginagawad sa mga local government units (LGU) na naging matagumpay sa mga larangan ng planning, budgeting, revenue mobilization, financial management and budget execution, procurement, at resource mobilization, sabi ni Villaseñor. 

Bukod dito, ang mga LGU na makatatangap ng pagkilala ay nakakuha rin ng “no adverse” report mula sa Commission on Audit na ang ibig sabihin ay sumunod sila sa lahat ng alituntunin ng auditing agency ng pamahalaan. 

Awtomatikong kwalipikado para sa PCF ang mga SGH honorees. 

Sa ilalim ng fund, binibigyan ang bawat isa sa mapipiling LGUs P1 milyon na siya namang ilalaan para sa mga proyektong susuporta sa pag-abot ng mga United Nations Millennium Development Goals (MDG). 

Kabilang sa mga MDGs ang puksain ang matinding kahirapan at kagutuman at bawasan ang child mortality. 

Dagdag pa ni Villaseñor na ang Salintubig program ay naglalayong bigyan ng water supply systems ang may 455 waterless municipalities, waterless barangays, waterless health centers, at waterless resettlement sites; at mapabuti ang kapasidad ng mga LGUs o water service providers sa pagpaplano, implementasyon, at operasyon ng mga water suppy facilities habang ang LGPMS ay online self-assessment management and development tool na nagsisilbing gabay sa mga LGUs sa kanilang pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan. 

Ang Gawad Pamana ng Lahi ay ipinagkakaloob sa mga pamahalaang panlalawigan, bayan at lungsod na na may kapuri-puring nagawa sa larangan ng administrative governance, social governance, economic governance, at environmental governance. 

Naging basehan sa pagpili ng mga nanalo ang iskor ng mga LGUs sa SGH at LGPMS. 

Naging batayan din aniya ang mga parangal na iginawad sa kanilang ng mga international organizations at national government agencies at mga inobasyon na ipinakilala sa nakalipas na tatlong taon tulad ng pagtitipid, pagpapabuti ng mga internal administrative systems at pakikipag-isa sa mga civil society organizations. 

Sa kabilang banda, binibigyan ng LTIA ng insentibo ang mga Lupong Tagapamayapa bilang rekognisyon sa kanilang kontribusyon sa pagabot sa mga mithiin ng katarungang pambarangay. (WLB/CLJD-PIA3) 

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.