News DetailsMORE NEWS

Tagalog news: Tacurong City at Kalamansig pasok din sa Gawad Pamana ng LahiSeptember 7, 2012

By Danilo E. Doguiles

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato, Setyembre 7 (PIA) -- Maliban sa lalawigan ng South Cotabato, pasok din sa 2012 Gawad Pamana ng Lahi Award ang lungsod ng Tacurong at bayan ng Kalamansig na parehong nasa lalwigan ng Sultan Kudarat. 

Bilang gantimpala sa nakamit na karangalan, mabibigyan ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Tacurong ng P2 milyon samantalang makatatanggap naman ng P1 milyon ang lokal na pamahalaan ng Kalamansig. 

Galing ang pondo sa Performance Challenge Fund (PCF) ng Department of the Interior ang Local Government. 

Magagamit ito ng mga nanalong lokal na pamahalaan sa anumang mga programa at proyekto na magsusulong ng kaunlaran sa kani-kanilang lugar. 

Ang pagpili ng bibigyan ng Gawa Pamana ng Lahi Award ay base sa mga susumunod na criteria: resulta ng Local Government Performance Management System (LGPMS) sa 2011, resulta ng Seal of Good Housekeeping sa 2011, mga inobasyon o mga bagong sistema na ipinatupad para sa maayos na pamumuno sa lokal na pamahalaan mula 2009 hanggang 2011 at natanggap na parangal na taong 2011.

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.