News DetailsMORE NEWS

Performance Challenge Fund, itinatag ni P-NoyOctober 11, 2011

Inilunsad ngayon ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ang Performance Challenge Fund para mapabuti pa ang pagtatrabaho ng mga local government units.

Sa pamamagitan ng programa, mabibigyan ng kaukulang parangal ang mga LGUs na magpapakitang-gilas sa pagpapabuti sa kabuhayan ng kanilang constituents.

Sa Galing Pook awarding ceremony sa Palasyo, sinabi ng Pangulo na maliban sa pagkilala sa katapatan at didekasyon ng mga LGUs, may ibibigay ding tulong pinansyal upang maipagpatuloy ang mga inisyatibong pangkaunlaran.

Pero nilinaw ng Pangulo na hindi ito paligsahan kungdi isa lamang insentibo sa mga LGUs na outstanding sa governance.

Ito rin umano ay isang mekanismo para mapatatag ang mandato ng mga lokal na opisyal.

Kasabay nito, pinuri naman ng Pangulo ang mga programa tulad ng Galing Pook at umaasang sa susunod na taon, mas marami pa ang tatanggap ng award.

Sa nasabing okasyon, ipinagmalaki ng Pangulo ang mga anti-poverty programs ng pamahalaan tulad ng ginagawa ng PhilHealth na pagsagot sa premiums ng mga mahihirap na kababayan, gayundin sa conditional cash transfer (CCT) ng DSWD.

Para maging efficient ang implementasyon din ng CCT, hinimok ng Pangulo ang mga local chief executives na sagutin na lamang ang pamasahe ng mga beneficiaries na bibiyahe pa sa bayan para kunin ang kanilang allowance. 

 

 

 

 

 

 

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.