News DetailsMORE NEWS

Tagalog News: Anim pang LGU sa Pampanga nasungkit ang Seal of Good HousekeepingJanuary 26, 2012

By Carlo Lorenzo J. Datu

 

 

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 26 (PIA) -- Anim pang local government units (LGUs) sa Pampanga ang nakatanggap kamakailan ng Seal of Good Housekeeping (SGH) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Personal na ipinagkaloob nina DILG Regional director Florida Dijan at League of Cities of the Philippines President Oscar Rodriguez ang pagkilala sa mga opisyal ng Bacolor, Masantol, Sta. Ana, Sta. Rita, Sto. Tomas at Candaba sa isang seremonya na isinagawa sa lungsod ng San Fernando.

Ayon kay DILG regional information officer Miriam Gaviola, ang SGH ay iginagawad sa mga LGU na naging matagumpay sa mga larangan ng planning, budgeting, revenue mobilization, financial management and budget execution, procurement at resource mobilization.

Bukod dito, ang mga tumatanggap ng naturang pagkilala ay nakakuha rin ng “no adverse report” mula sa Commission on Audit na ang ibig sabihin ay sumunod sila sa lahat ng alituntunin ng auditing agency ng pamahalaan.

Dahil sa pagkakapanalo ng anim na nabanggit na LGU ay nagawaran na ng SGH ang lahat ng 20 bayan at dalawang siyudad ng Pampanga at pati na rin ang pamahalaang panlalawigan nito.

Sinabi pa ni Gaviola na awtomatikong kwalipikado para sa Performance Challenge Fund (PCF) ang mga SGH honorees.

Sa ilalim ng PCF, binibigyan ang mga mapipiling LGUs ng tig-isang milyong piso na siya namang ilalaan para sa mga proyektong susuporta sa pag-abot ng mga United Nations Millennium Development Goals o MDGs.

Kabilang sa mga MDGs ang puksain ang matinding kahirapan at kagutuman at bawasan ang child mortality.

 Noong 2011, ang mga PCF grantees sa Pampanga ay ang mga bayan ng Minalin, San Simon at Sasmuan. Ginamit ng Minalin ang ayuda sa pagpapatayo ng three-classroom school building habang ang San Simon ay nagpagawa ng drainage canal.

 Samantala, inilaan naman ng Sasmuan ang grant sa pagpapabuti ng pampublikong pamilihan.

 Bukod sa pagiging requirement sa PCF, ang SGH din ang isa sa mga batayan ng pagpili ng mga nananalo sa regional at national Gawad Pamana ng Lahi (GPL).
Paliwanag ni Gaviola, ang GPL ay ibinibigay sa mga LGUs na may kapuri-puring nagawa sa mga larangan ng administrative governance, social governance, economic governance at environmental governance.

Nanguna ang San Fernando sa city category ng inaugural GPL kung saan pumangalawa ang San Jose at pumangatlo ang Palayan. (WLB/CLJD/PIA-3)

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.