News DetailsMORE NEWS

Tagalog News: “Seal of Good Housekeeping,” natanggap ng LGUs ng MarinduqueJuly 25, 2011

By Mayda N. Lagr MARINDUQUE, Feb. 3 (PIA) -- Anim na munisipalidad ng Marinduque at ng Provincial Government ay masasabing tunay na sumusunod at ginagawa ang national “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno o pamahalaan. Ito ay pinagtibay at pinatotohanan ng una hanggang sa ikatlong pagtanggap ng nasabing local government units ng “Seal of Good Housekeeping” sa taong 2011. Ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay kumilala sa Local Government Units ng Marinduque sa kanilang pagsunod sa full disclosure policy ng pamahalaan at sa pagpapakita ng pagsunod sa batas ng transparency at accountability. Kasabay ng natanggap na parangal, ang anim na munisipalidad ng probinsiya ay nabigyan ng pinansiyal na tulong para sa iba’t ibang proyekto sa pagunlad. Ang Buenavista ang unang nakatanggap ng Seal of GoodHousekeeping at P1 milyong Performance Challenge Fund (PCF), kabilang sa siyam na LGUs sa MIMAROPA noong unang round ng pagbigay ng Seal of Assessment. Sa ikalawang round ng pagbibigay ng seal, nabigyan na din ang mga munisipalidad ng Gasan, Mogpog, Sta. Cruz at Torrijos at napagkalooban din ng suporta ng Local Government Support Fund (LGSF) mula sa DBM-DILG sa pamamagitan ng Joint Memorandum Circular 2011-2 para sa implementasyon ng mga proyekto sa pagunlad. Sa ikatlong round ng pagbigay ng seal, ang munisipalidad ng Boac at ang Provincial Government naman ang ginawaran Seal at LGSF. Sa panalong ito at gantimpala, ang lalawigan ng Marinduque at ang bayan ng Boac ay gumawa ng isang kasaysayan sa pagkakaroon ng 100 porsyientong LGUs nakatangap ng napakataas at minimithi ng marami na national award ng “Seal of Goodhousekeeping.” Sa kabuuan, umabot sa P11 milyon ang halaga ng natanggap na LGSF ng Marinduque para sa iba’t- ibang LGUs at mga proyekto nito. (LBR/MNL/PIA4-B/MARINDUQUE)

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.