News DetailsMORE NEWS

DILG projects sa Albay, iinspeksyunin ni RoxasMay 26, 2014

Posted by on May 26th, 2014

LEGAZPI CITY – Bibisita si Department of Interior and Local Governments Secretary Manuel A. Roxas II sa Albay ngayong Mayo 26, para personal na masuri ang estado ng award-winning projects sa lalawigan na nagpanalo rito ng Best Province in Local Governance noong 2010-2013.

Si Roxas mismo ang naggawad ng premyo at parangal sa Albay sa ilalim ng Performance Challenge Fund (PCF) na idinaos sa Maynila noong nakaraang taon.

Ang PCF ay proyekto ng DILG na kumikilala at nagbibigay ng parangal sa mga proyektong “nagbibigay-diin sa kahalagahan ng performance para itulak at isulong ang paglago ng mga ekonomiyang lokal at mabawasan ang kahirapan sa kanilang mga pamayanan.”

Sa kanyang naunang liham kay Albay Gov. Joey Salceda, sinabi ni DILG Bicol Regional Director Elouisa T. Pastor na pangungunahan din ni Roxas ang groundbreaking para sa Legazpi City Public Market Extension, isa sa mga PCF project sa Bicol.

Ayon kay Salceda, na pangungunahan ang pagsalubong kay Roxas, magandang pagkakataon ang pagdalaw ng Kalihim upang makasalamuha at makipagsanggunian ito sa mga negosyante sa Legazpi Public Market. Kilala si Roxas sa taguring “Mr. Palengke”.

Kasama sa ilang kaganapan sa pagdalaw ni Roxas ang unveiling of markers sa Albay Provincial Capitol Lobby para sa 2013 Best Province Award, KALASAG Award bilang Best Province in DRR sa loob ng tatlong magkakasunod na taon, Galing Pook Award for Early Achievement of MDGs, at Galing Pook Award para sa Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

http://www.balita.net.ph/2014/05/26/dilg-projects-sa-albay-iinspeksyunin-ni-roxas/

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.