News DetailsMORE NEWS

Mga nagawa ng DILG sa ilalim ng pamumuno ni Sec. RoxasSeptember 12, 2014

Patuloy na tinutugunan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ang hamon na maitakda sa pinaka-mataas na antas ang “good local governance.”

Ayon sa kalihim, ito ay pagsunod sa ‘Daang Matuwid’ ng Pangulong Aquino upang linisin ang lahat ng uri ng katiwalian sa pamahalaan.

“Hangad natin na magpatuloy makasanayan, hanggang sa magiging gawi na ng ating mga LGUs ang konsepto ng transparency at accountability sa kanilang pamamahala,” paliwanag ni Roxas.

Hinihikakayat ni Roxas ang mga sangay ng DILG, kabilang ang lahat ng lokal na kawanihan ng Local Government Academy (LGA), National Police Commission (Napolcom), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Public Safety College (PPSC) at ang 1,532 local government units

(LGUs) na ipatupad ang mga adhikain na nagpapatibay ng public safety at nag-aayos sa peace and order situation na siyang nagbibigay kumpiyansa sa pagpapanatili ng mga negosyante sa bansa.

Ang tinutukoy ni Roxas ay ang programang ‘Seal of Good Local Governance’ (SGLG), ang pinataas na programang ‘Seal of Good Housekeeping.’ Ito ay isang hakbang na sinimulang ipatupad ng DILG ngayong taon.

Sa pamamagitan ng SGLG, tinutukoy nito ang performance ng LGU sa aspeto ng business competitiveness, disaster preparedness, environmental protection, social protection, peace and order at public safety. Ito ang mga batayan ng pagsusuri sa mga LGUs kung dapat bigyan ng awards at recognition.

Dagdag ni Roxas, ang LGU na nagawaran ng SGLG ay bibigyan din ng development fund o Performance Challenge Fund (PCF) na maaring gamitin para sa implementasyon ng kanilang lokal na proyekto na may kinalaman sa economic development, disaster risk reduction at management, ecological solid waste management at Millennium Development Goals.

Kabilang sa mga LGU na nabigyan ng PCF at naipatupad ng mahusay ang mga proyekto ay ang bayan ng Caluya, sa probinsiya ng Antique, bayan ng Buenavista, sa probinsiya ng Guimaras at bayan ng Pres. Roxas, sa probinsiya ng Capiz.

Noong 2012, ang bayan ng Caluya ay nagawaran ng Seal of Good Housekeeping at nabigyan ng daan upang maka-access ng P1 million PCF.

Ginamit ng Caluya ang nakuhang pundo upang itayo ang proyektong water tank na nagsisilbing catch basin o reservoir ng tubig mula sa Palawan Spring. Ngayon, higit sa 2,250 households ang masayang nabigyan ng libreng malinis na inuming tubig sa pamamagitan ng public faucets.

Sa kabilang banda, ang bayan ng Buenavista, sa Isla ng Guimaras ay nagkaroon ng pagkakataon na maitayo ang Buenavista Passenger Terminal Building dahil sa P1 million PCF.

Ito ngayon ay nagsisilbi upang maging mabilis at mahusay ang pagbiyahe ng mga pasaherong pumupunta at umaalis sa Isla. Ang nasabing proyekto ay itinayo sa Buenavista Wharf, Brgy. Sto. Rosario, Buenavista, Guimaras.

Hinati-hati naman ng bayan ng Pres. Roxas, Capiz, sa tatlong proyekto ang nakuhang P1 million mula sa PCF. Ito ay ang renovation ng RSL Agricultural Training Center, pagsasaayos ng Avalo Road at pampublikong merkado (public market).

Ito ngayon ang pinasasalamatan ng mga magsasaka, fishpond owners at kahit ordinaryong tao na nakabenipisyo dahil sa mga proyektong ito.

Ayon kay Roxas, ang mga proyektong ito, mula sa PCF, ay bahagi lamang nga mga pagbabago na ginagawa niya sa departamento upang maisaayos ng lubos ang mga LGU at manumbalik ang tiwala nga mga tao sa gobyerno.

Bilang pagsisiguro na wasto ang paggamit ng pundo ng mga LGU at makita ng publiko ang lahat ng impormasyon may kinalaman sa proyekto ng PCF, pinalitan ni Roxas ang operational manual ng PCF, gayundin ang website nito sa tulong ng ASIA Foundation.

Samantala, sinusuri naman ang performance ng mga LGUs sa pamamagitan ng Local Government Performance Management System (LGPMS).

Kaugnay nito, umaasa si Roxas na sa pagpapatupad ng Seal of Good Local Governance ay madadagdagan pa ang bilang ng 21 probinsiya, 60 lungsod at 638 munisipalidad o kabuuang 719 LGUs na binigyan ng Performance Challenge Fund noong 2013.

http://panaynewsphilippines.com/2014/09/12/mga-nagawa-ng-dilg-sa-ilalim-ng-pamumuno-ni-sec-roxas/

Comments








*



(Maximum characters: 100)
You have characters left.